last saturday feeling mayaman ako dahil kaka-sweldo ko lang (next week tiyak mahirap na ulet ako) kaya naisipan namin mag-bonding ng mga little brothers ko sa sm sta.rosa, boys day out kumbaga. actually, gala lang dapat and hanap ng toys ni chayil sa mga mcdonald branches, sabe kase niya importante sa buhay niya na mahanap niya ang mga toys na yun. hay. sige na nga, pagbigyan.
i had loads of fun with chashar and chayil kaya nga super lab-lab ko ang dalawang cute na itlog na ito. for the meantime na wala akong significant other, sila muna ang makikinabang sa sweldo ko, pero hindi ibig sabihin galante akong boyfriend ha. minsan lang naman kase kame lumabas ng two boys kaya dapat all-out treat na di ba? lol. oh, wag ka na umangal, hindi ka naman bata eh!
first stop ay kumain kame sa mcdonalds dahil nag-iba ang gusto ni chayil, gusto na niya ng happy meal na tamagochi. then nanood kame ng wolverine and after that, naglaro kame sa Tom's World. may mga food trips din kame. hala, sagana sa libre talaga mga little brothers ko kaya siguro sobra nila ako lab-lab. hmm.. itigil ko kaya ang manlibre?
i learned my lesson why it's not advisable to bring a 6-year-old kid sa movie house, especially if hindi naman cartoons ang papanoorin -- waste of money, no concentration sa palabas and loads of bloopers.
here's some of chayil's funny moments:
chayil: hala!
bonj: oh, baket chayil?
chayil: nalulula ako. akala ko mahuhulog na ako dito (nasa balcony kase kame)
bonj: oh, kapit ka lang. hehe.
chayi: ang laki kase ng screen, pero mas malaki ang eroplano kaysa diyan di ba kuya rye?
bonj: oo naman chayil.
(nung pinatay na ang ilaw sa movie house kase mag-start na at tahimik na ang lahat)
chayil: hala, ang dilim. ang dilim.
bonj: ssshh, chayil, mag-start na.
chayil: kuya rye, ang dilim. ang dilim naman.
bonj: oo, ganito talaga kapag mag-start na yung movie.
chayil. ang dilim. hala, ang dilim. ang dilim.
bonj: chayil, wag na maingay please.
chayil: ang dilim. (humabol pa talaga)
(scene na nag-kiss si Logan and yung girlfriend nya)
bonj: chayil, cover your eyes ha (habang tinatakpan ko ang eyes niya ng kamay ko)
chayil: (tinanggal ang kamay ko) eh kuya rye, kaya nga sine ito di ba kase kailangan panoorin lahat.
bonj: oo, pero hindi iyang scene na yan.
chayil: (nanlaki ang mata sa eksena) hala. hala. hala.
(hay, patay akong bata ako)
(scene kung saan pinatay si Logan)
chayil: hala, pinatay nila, lagot sila, mumultuhin sila nyan.
bonj: (natawa)
(out of nowhere nagcomment si little mama)
chayil: kuya rye, baket walang naglalakad na tao sa screen? kase kapag nanonod kame dvd sa bahay may mga dumaan na ulo ng tao. baket dito walang dumadaan?
bonj: kase chayil nanonood sila lahat. ayaw nila muna tumayo.
chayil: ay sayang.
the whole time hindi siya nagfocus para manood, period. kung ano ano ang ginagawa. buti na lang si chashar eh hindi na alagain. hay. pero the movie is worth it naman so okay na din.
so don't bring kids sa non-cartoon movies, okay? unless trip talaga nila si wolverine at ang x-men. lol.
he's adorable